◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Ang Waku Waku Plaza ay maglalaan ng mga pasilidad para sa pangangalaga ng bata o Childcare sa mga paaralan, tuwing Sabado at summer holiday.
(hanggang 6:00 pm)
Sa summer holiday, ito ay magbubukas simula 8:00 am ng Lunes hanggang Biyernes (subalit magbubukas ito ng 8:30 am sa mga karaniwang araw)
Ang mga mapipili dito ay ang mga batang mag-aaral na nasa unang baitang hanggang ika-anim na baitang simula Abril na nag-aaral sa isang municipal elementary school sa loob ng lingsod ng Kawasaki o nakatira sa Kawasaki.
Ang Kosodate Shien Waku Waku Plaza ay maglalaan ng mga pasilidad para sa pangangalaga ng bata o Childcare sa isang ligtas na lugar (hanggang 7:00 pm).
Ang mga mapipili dito ay ang mga batang mag-aaral na gumagamit ng pasilidad ng Waku Waku Plaza at may mga taga-pangalaga o mga magulang na hindi masusundo ang kanilang anak ng 6:00 pm dahil sa kanilang trabaho.
Buwanang Bayad: 2,500 Yen
Mga paaralang sakop ng WakuWaku Plaza
Sakura elementary school, Oshima elementary school, Higashi-oshima elementary school
Mga Katanungan: Fureaikan
Tel:044-276-4800, Fax:044-287-2045
Para sa ibang mga paaralan
Katanungan: Kawasaki Shimin Katsudo center
Tel:044-430-5603, Fax:044-430-5577
Job Fair para sa mga International Student
2019-03-06
Makikilahok dito ang tatlumpung (30) iba’t ibang mga kumpanya.
Ang unang bahagi ng job fair ay magpapakita ng eksibisyon para gabay sa mga mag-aaral ng international studies na naghahanap ng mga trabaho.
Ito ay para sa mga International students na magtatapos mula sa unibersidad o bokasyonal na kolehiyo sa pagitan ng taong 2019 at 2020 at para rin sa mga Alumni.
Petsa: Huwebes ng ika-7 ng Marso
Oras: 1:00 - 5:00pm (magbubukas simula 12:30 pm)
Lugar: 2F.KCCI hall, Kawasaki Frontier Building
(Isang minutong lakad galing north gate East ng
JR Kawasaki station)
Katanungan: Keizai rodo-kyoku rodo koyo-bu
Tel:044-200-2276
Fax:044-200-3598
Maaari kang mag-aplay online nang maaga mula sa website ng Lungsod ng Kawasak
Ang mga tulong salapi para sa isterilisasyon ng mga pusa (ang ikalawang termino)
2019-03-06
Ang subsidy na ito ay para sa mga mamamayan ng Kawasaki na responsable sa pag-aalaga ng mga pusa, at ang mga pusang ito ay na isterilisado sa isang ospital mula noong nakaraang taon ng Abril hanggang Marso ng taong ito.
Ang halaga ng tulong na salapi
3000 yen para sa babaeng pusa
2000 yen para sa lalaking pusa
Ang mga nag-aplay para sa unang termino (hanggang sa katapusan ng Disyembre, 2018) ay maaaring mag-aplay muli.
Hanggang sa tatlong pusa sa bawat pamilya para sa bawat termino.
Kapag ang kaloob ay umabot sa badyet, ang subsidy ay isasara.
(Sa ika-29 ng Marso ang huling araw para sa pag-aaplay)
Ang mga application form ay ibinibigay sa pagsuporta sa mga ospital ng hayop.
Mag-download mula sa website ng Lungsod ng Kawasaki
http://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000017780.html